Pilipinas maganda, Kahit saang panig ng Bansa

Nilikha ni Glynizz Ibea ng Baitang VII- Newton.

Northern Sierra Madre Natural park

Kilala ang Pilipinas sa mga katangi-tanging mga lugar na kamangha-mangha ngunit hindi kilala ng karamihan. Ang Northern Sierra Madre Natural Park ay nakatago sa Sierra Madre Biogeographic Zone na nasa silangang bahagi ng Sentral Luzon. Ito ay mas kilala sa tawag na Palanan Wilderness Area. Ito ay mayroong lawak na 287,861 na hektarya ng lupa at 71,625 na hektarya ng tubig kung saan matatagpuan ang mga tinatawag na endangered species at mga hindi linang na mga hayop. Ang lugar ay pinapaligiran ng Sierra Madre Mountain Range na  nagsisilbi nitong guardia o harang.
Sa kabila ng mga ilegal na pagpuputol ng puno, ang mga kagubatan rito ay nanatiling birhen, o hinde pa nagagalaw dahil sa mga malalalim na bangin at mga nakapaligid na dalampasigan. Itong Natural Park ay isa sa top 10 na pinapangalagaan na lugar sa bansa.
Ang mga gustong bumisita dito ay maaring humingi ng tulong sa mga kilalang travel agencies. Ipapatuloy kayo sa isang bayan roon na tawag ay Dinapigue. Ang aming naging guide na si Ka Esmer ay isang lokal doon na alam kung saan magandang suamglit at magpahinga. 
Sa dinami-dami ng mga bansa sa Asia, higit na pinag-pala ang Pilipinas dahil itong bansa ay marami palang natatagong mga magagandang lugar na lingid sa kaalaman ng iba kaya aking masasabi na talagang, IT'S MORE FUN IN THE PHILIPPINES!